Home

My random rant blogsite:
a lil something like...

Musings:
Love
Life
Letters

I am Kace, and I don't think it matters.

• Text Post

The sound after the other

One by one…
A sound after the other.
There’s a battle to be won,
What would turn out after?

One sound from the corner,
One sound by the door.
Whichever sound would reign
It’s still the sound of pain.

Now, the decibels are rising,
Seems someone is already winning
There you go, a very loud noise
Even the princess lost her poise.

These sounds are deafening,
But they just won’t stop.
I wonder what is happening,
Why all the terrible cough?

Written coz all people in the office are sick! Can we go home now….. please?

• Text Post

Suicide is Painless

Wag mo basahin kung ayaw mo maguluhan..
________________________________________________________

Suicide

So ive been watching a lot of suicide videos on youtube lately… My mouth is open as I watch the artistically directed suicides…

I was inspired… I wanna direct and produce a suicide video.. but right now, all I can do is write.

________________________________________________________

SINO ANG BABAENG YON?

 

Saking paglalakbay, nakikita ko ang isang grupo ng katauhan…  May tinitingnan.. ang ilan ay pilit sumisilip sa pagitan ng mga ulo…  Ilang pulis at opisyal ang naglalakad.. may kausap sa kanilang radyong sing laki ng sapatos… sa gilid ng bangketa ay may dalawang sapatos na nakakalat.. mataas ang takong.. kulay dilaw..  heto ang isang lalaking naka itim… paparating, sa kanyang likod ay nakaguhit ang mga letrang S, O, C at O.  Pinalayo ang mga tao… nagkabit ng linyang dilaw…

Isa nanamang lalaking itim ang lumapit, hawak ang sapatos na radyo.. tumingala sa tuktok ng gusali, isang katanungan ang makikita sa kanyang mata… Isang katanungan… ano nga kaya… 

maya maya pay may babaeng lumalapit… pamilyar ang muka nya sa akin… pero dahil sa kumalat na itim sa kanyang mga mata dulot ng kanyang mga luha, nahirapan akong kilalanin kung sino sya… Nais nyang lumapit, pilit syang pumasok sa dilaw na dibisyon ngunit pinigilan sya ng lalaking itim.  Ang kanyang pulang buhok, ang kanyang ilong na nakatutusok, ang kanyang mga pulang labi… nakita ko na ang babaeng ito.. sino nga ba sya…

Bakit sya umiiyak. Bakit sya natatakot? Nababahala?  Lumapit ako… ngunit sa dami ng mga ulong naguumpugan ay nawala ang babae saking paningin… sa halip ay napalingon ako sa kabila ng dilaw na dibisyon at nakita ang isang guhit sa kalsada… 

Guhit gamit ang isang puting panulat… Isang ilustrasyon ng taong nakahiga o nakadapa.. anot ano pa man, panigurado na isang tao ang nakaguhit sa kalsadang yaon.  Bakit kaya.. isang guhit na napakadaling gawin.. bakit nila pinagkakaguluhan… isa ba itong simpleng likha ng sining o ano man? 

Pilit ko paring tinanaw ang babaeng aking nakita.. ngunit lubhang mahirap syang makitang muli sa dami ng taong pagalagala.. Nakapagtataka nga lamang… sa higpit ng mga lalaking itim, bakit akoy pinapawalang bahala? 

Lumipat ako sa dilaw na dibisyon upang madali kong makita ang babaeng aking kinikilala.. Naguguluhan ako, nalilito sa mga matang nakatingin sa guhit na likha ng sining. Ano ba ang meron sa simpleng puting guhit na iyon? Aking nilapitan, unti untiy tinitigan… sa pagdala ng aking isipan, akoy dumapa, ang porma ng guhit ay sinundan.  Unti unti lumalapat ang aking katawan… kamay, binti, paa… ng malapat ko ang aking ulo ay biglang nagbago….

Umatras ang panahon… umatras ito… hanggang nakita ko ang ang isang babae sa harap ng salamin… nakatingin sa malulungkot nyang mga mata… mapuputla ang kanyang labi… ang kanyang buhok ay gusot gusot… ang katawan nyay nanghihina… lahat ay nakikita ko sa harap ng salamin… Nakapanglulugmo ang kanyang itsura… payat at maputla, ikaw ba’y sino talaga? 

Mga matang nagtititigan… naghihintay sa pagpatak ng luha… malalim ang iniisip.. malayo ang tingin… mayamaya pay pumatak na rin…  Lumabas sa kwarto, Tumakbo papalayo… hindi malaman kung san papunta… hanggang sa dinala sya ng kanyang mga paa sa isang gusali.. mataas… matayog.. nakakalula… Umakyat sya… umakyat sya sa pinakataas… Naglakad hanggang sa dulo… matagal na nakatulala, mistulang pinakikiramdaman ang hangin na sa kanyay humahampas..  nililipad ang kanyang buhok… nililipad ang kanyang maiksing palda… napakalakas ng hangin, pati kanyang utak ay nilipad na rin…  Isang hakbang… dalawang hakbang… Isa pa at syay nagpatihulog na. 

Isang paglalakbay…. Ang pagbabalik sa kanyang kabataan… ang manikang kanyang hawak ay nabitawan… pinulot nya at naging isang bote ng alkohol… iinumin na nya sanay bigla itong nabasag. Ibat ibang pangyayari.. samut samong kaganapan… lahat ay nangyari sa istorya ng kanyang buhay… ang ilang Segundo ay mistulang naging isang edad ng panahon… hanggang lahat ay natapos nang nagkaroon ng matinding kadiliman.

            Tumayo ako sa pagkakadapa sa porma ng guhit.. Sino ang babaeng aking nakita? May koneksyon ba sya sa isa pang pamilyar na babaeng umiiyak?  Biglang lumitaw ang aking hinahanap.. aking sinundan ang kanyang mga yapak.  Hindi ko alam kung saan na ko napadpad…sinundan ko sya sa isang kwartong kanyang pinasok… nakakasilaw ang liwanag roon… isa pang pinto ang kanyang binuksan… ngayon naman ay nakabubulag ang kadiliman… Binuksan nya ang ilaw, isang babae ang nakahiga sa kamang puti, binabalutan sya ng puting kumot.. tanging ang muka lamang nito ang nakikita….

            Mistulang kidlat na tumama saking mga mata ang tindi ng liwanag na aking nakita…. Akoy naliwanagan…  Ang babaeng umiiyak ay nakilala ko na… ang babaeng iyon.. sya ang dahilan kung bakit ang babaeng nakahiga ay nasa kinaroroonan nya ngayon… Ang babaeng nakahigang iyon ay ang babaeng nakita ko sa harap ng salamin. Ang babaeng nalulungkot.. ang babaeng naguguluhan… sa gulo ng kanyang pusot isipan, ay tumalon at nagpakamatay sa mismong lugar kung nasaan ang puting guhit na likha ng sining.  Ang mga dilaw na sapatos na mataas ang takong… lahat ay maliwanag na sa akin… Ang babaeng iyon… Ang babaeng iyon ay kilala ko… sya nga. Ang babaeng iyon ay ako.



Stuff I Like